Maraming nakakaalam ng buong pangyayari sa buhay ni Rizal. Alam nating lahat kung saang iskwelahan sya nagumpisa at nagtapos. Pero ano nga ba ang nararamdaman ni Jose Rizal noong nasa unang baiting sya? Kasing kulit din ba sya ng ibang mga bata? Sino-sino ba ang lagi nyang kakwentuhan sa klase?
Sa araw-araw kong pakikisalamuha sa mga istudyante ko, marami akong napapansin mga karanasan nila bilang isang batang nag-aaral sa unang baiting. Naisip ko lang kung ako kaya ay isa sa mga batang ito, ano kaya ang mararamdaman ko? Dito nila uanang natutunan mag-sulat, mag-bilang, at mag-basa. Nakakatakot isipin kung ikaw ay hindi marunong at aaralin mo sa unang pagkakataon ang mga bagay na ito. Ganito rin kaya ang naramdaman ni Rizal?
Kaya, nagbigay ito sakin ng hamon. Hamon upang magpursige na maturuan ang mga batang Rizal na aking hinahawakan at sa mga susunod ko pang istudyante.
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgV1KLcfnkuTn0USSUsEPDnRsVVK4il0Hb6U2Ti-aHqRuz26cAugEL3lrESGeEOjai-LZqt48SOsaCyJtNzbzcbwfxOegbNAH66FxkiHz_i4FihkKRbqo3WPzYY6f7yNTwswSQEsNdeX8KX/s1600/Rizal-historylink.org_.jpg
No comments:
Post a Comment