Wednesday, February 15, 2012
Ang Alamat ng Pinya
http://www.philippine-trivia.com/trivias/history/trivias-about-the-dr-jose-p-rizals-roots-in-fujian-china.html
Ang sabi nga ng ating pambansang bayani, Dr. Jose Rizal, "Ang hindi magmahal sa kanyang salita mahigit sa hayop at malansang isda". Sino ba ang taong hindi mamahalin ang sariling wika kung ikaw ay maihahambing sa ganito? Kaya halos sa lahat ng asignatura wikang Filipino ang aking gamit. Bukod sa madaling natututo ang mga bata mas madali din itong gamitin bilang isang pambansang wika.
Sa pagtuturo ko ng Filipino, mas pinagtutuunan ng pansin ng mga bata ang pakikinig sa mga kwento. Basta't ako'y nagsimula nang mag-kwento nakikinig na ang lahat. Siguro'y natural na sa mga tao ang mahilig sa kwento kahit bata pa. Isa sa pinaka-paborito kong i-kwento ay ang "Alamat ng Pinya". Ito ay kwento ng isang batang ayaw sumunod sa kanyang ina at isang umaga'y naging pinya. Noong unang beses sa akin ikinuwento ito ng nanay ko, takot na takot ako! Sabi ko talaga sa sarili ayokong maging pinya. Kaya natuto akong sumunod sa nanay ko dahil sa takot na iyon. Pero habang tumatanda ay natutunan ko din ang tunay na kahulugan ng pag-sunod sa magulang. Hindi dahil natatakot ka kundi dahil mahal mo ang iyong magulang at may respeto ka sa kanila. Ito din ang gusto kong matutunan ng aking mga istudyante. Sana'y paglaki nila ay sumunod sila sa magulang hindi dahil ayaw nilang maging pinya kundi may respeto at pagmamahal sila sa magulang.
http://thekulotcollections.multiply.com/photos/photo/10/1?&show_interstitial=1&u=%2Fphotos%2Fphoto
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
another story of alamat ng pinya
ReplyDelete