Thursday, February 16, 2012

Alamat ng Gumamela

                                           
                                http://www.gardeners-haven.co.uk/images/plants/ChinaRose1.jpg




Nag-tataka ba kayo kung bakit walang halimuyak ang gumamela? “Ang Alamat ng Gumamela” ay kwento tungkol sa pangyayari kung bakit nga ba walang halimuyak ang gumamela. Kahit makulay ang gumamela at napaka-ganda ng itsura nito, nasasayang dahil wala siyang halimuyak.
            Noong unang panahon lahat ng bulaklak ay hinihintay ang pag-dating ng diwata ng hardin. Siya kasi ang nag-bibigay halimuyak sa bawat bulaklak. Isa sina Rosas, Sampaguita at Gumamela sa mga bulaklak na sabik sa pagdating ng diwata ng hardin. Panahon na kasi para sila ay makatanggap ng halimuyak. Nung gabi bago ang araw ng pagtanggap nila ng halimuyak nagdidiwang ang tatlo. Unang natulog si Sampaguita dahil gusto niyang maagang magising kinabukasan. Ngunit, nag-paiwan sina Rosas at Gumamela dahil gusto pa nilang magsaya. Sumunod nang natulog si Rosas. Inaya niya si Gumamela upang matulog na ngunit ayaw pa niyang matulog dahilgusto pa niyang magsaya. Kinabukasan, na-unang  magising si Sampaguita at marami siyang nakuhang halimuyak na isinaboy ng diwata ng hardin. Muntikan nang mahuli si Rosas dahil tanghali na siyang nagising. Ang pinaka hindi pinalad ng araw na iyon ay si Gumamela. Hindi niya naabutan ang pagsaboy ng halimuyak ng diwata ng hardin. Kaya mula noon ang bulaklak ng sampaguita ng pinaka mabangong bulaklak sumunod ang rosas. Pero walang halimuyak ang gumamela.
            Kung natulog lang ng maaga si gumamela sana’y naamoy natin ngayon ang kanyang halimuyak. Bilang bata may mga pagkakataong maari ninyong ipakita ang inyong galing ngunit dahil sa pagpapabaya ay nawawala sa inyo ang pagkakataong iyon. Sana’y magbigay aral sa inyo ang kwentong ito at magamit hanggang sa pagtanda nyo.


1 comment: