Thursday, February 16, 2012

Si Pagong at si Matsing

                             
http://adarna.com.ph/media/catalog/product/cache/1/image/9df78eab33525d08d6e5fb8d27136e95/s/i/si-pagong-at-si-matsing_6.gif




        Mas matalino ba ang matsing kaysa sa pagong? Maraming nagsasabing tuso at matalino ang matsing. Sa kwentong ito malalaman kung sino ba talaga ang mas matalino sa dalawa.
        Isang araw nakakita si pagong ng isang puno ng saging na hitik na hitik ang bunga. Ang magulang na matsing ay inunahan si pagong at inangking sa kanya ang puno. Hindi pumayag si pagong dahil alam niyang siya ang nauna sa puno. Inimungkahi ni pagong na paghatian nalang nila ang puno para wala nang away. Dahil tuso nga ang matsing pumayag siya na sa kanya ang taas na bahagi ng puno. Pumayag naman si pagong na kanya na lamang ang babang bahagi ng puno. Ngumingising umalis dala ang kanyang bahagi ng puno si matsing. Ang akala niya’y nalamangan niya si matsing pagkat nakuha niya ang hitik na bunga ng puno. Lumipas ang mga araw at naubos na ni matsing ang bunga ng saging. Dali-dali siyang nag-hanap muli ng makakain. Nagulat siya ng Makita niyang may sariling puno ng saging si pagong at hitik na hitik ang bunga nito. Nalaman niyang mula pala ito sa babang bahagi na nakuha ni pagong sa puno ng saging. Dismayado at gutom na gutom na umalis si matsing.
        Nakakatawa hindi ba kung iisipin? Totoo nga ang kasabihan “tuso man ang matsing napaglalamangan din”.